Social Studies

Araling Panlipunan Department


Ang mga kakayahan ng bagong AP kurikulum ay nakaugat sa mga layunin ng batayang edukasyon: ang kapaki- pakinabang (functional) na literasi ng lahat; ang paglinang ng “functionally literate and developed Filipino;” at ang pangmatagalang pagkatuto pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Makikita ang mga pangkalahatang layuning ito sa mga partikular na kakayahan ng AP katulad halimbawa, ng pagsisiyasat at pagsusuri. Samakatuwid, ang AP kurikulum ay di lamang base sa nilalaman (content-based) kundi rin sa mga kakayahan (competence-based). Sadyang inisa-isa ang mga kakayahan ng AP upang: (a) ipakita ang ugnayan nito sa mga layunin ng batayang edukasyon, at (b) bigyang diin ang mga mapanuring kakayahan na hindi malilinang sa pamamagitan ng pagsasaulo ng impormasyon. Sa ibaba ang kabuuan ng mga pangkalahatang kakayahan sa AP kurikulum at sa bawat kakayahan, ang mga partikular na kasanayan. Magkakaugnay ang
mga kakayahan at kapwa nagpapatibay ang mga ito sa isa’t isa. Nilalayong linangin ang mga kakahayan sa debelopmental na pamamaraan na angkop sa bawat antas ng batayang edukasyon at sa proseso ng scaffolding, upang maitatag ang pundasyon ng mga kasanayan para sa mas malalim (at mas komplex) na kakayahan.

Pamantayan sa Programa (Core learning Area Standard):

Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto at isyung pangkasaysayan, pangheograpiya, pang-ekonomiya, pangkultura, pampamahalaan, pansibiko, at panlipunan gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina at larangan ng araling panlipunan kabilang ang pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw upang maging isang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na papanday sa kinabukasan ng mamamayan ng bansa at daigdig.

Comments are closed.