【計順市菲華中學訊】 語言不僅僅是一種重要的交際工具,它爲我們開闢更多的道路,讓我們能夠走出熟悉的領域,進入一個新的世界。因此,我校幼兒園於2023年8月30日(星期三)上午八點半,隆重舉行了一個“菲語月”慶祝活動,主題為“Filipino at Mga Wikang Katutubo : Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”。本次活動在我校李淑慧校長的支持和關心下、在幼兒園林志順主任的帶領下、英文教學組長Mrs. Charito Sarip、活動組織者Teacher Jhoanna Ongdueco及老師們精心策劃下,所有班級開展了各種菲族幼兒歌曲與各種傳統形式的遊戲,并準備了各種各樣的菲律賓特色美食。整個活動井然有序,內容豐富精彩,氣氛熱烈歡欣。
是日清晨,孩子們穿上了菲律賓服裝,手上帶著菲國美食,心情愉悅地踏進了校園。一進校園就能聼見歡樂的菲律賓歌聲,還有菲族樂隊鼓聲,全校場面熱鬧極了。
活動開始,各班幼童們用歡快的歌聲齊唱了菲律賓歌曲“Sampung mga Daliri”, “Tong Tong Tong Pakitong-kitong”, “Ako ay May Lobo” 和“Mang Donald” , 整個會場歡樂不斷。緊接著讓小朋友們一起觀看菲語傳統故事“Ang Langgam at Ang Tipaklong”,孩子們好奇聆聽觀看,在不知不覺中也學會了說菲律賓語言。
接著,老師帶領孩子們一起玩菲律賓傳統游戲,有“Piko”游戲, “Tumbang Preso”游戲, 還有“Batuhang Bola”游戲,孩子們興高采烈玩得非常開心,個個樂得合不攏嘴。
活動課程進入了尾聲,孩子們共同享用菲律賓各種特色美食,為當天活動學習之旅劃下完美的句點。此次活動不僅讓幼兒們收獲豐富的知識,也享受到活動的溫馨與快樂,更是感受到幼兒學習成長的喜悅。在孩子們與家長們的開心笑容下,活動圓滿結束。
Philippine Institute of Quezon City
Selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Priskul
Ang wika ay hindi lamang mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, ito rin ay nagbubukas ng mas maraming daan para sa atin. Nagbibigay daan ito upang tayo’y makalabas mula sa mga pamilyar na lugar at makapasok sa isang bagong mundo. Kaya naman, idinaos ng aming paaralan ang isang malaking pagdiriwang para sa “Buwan ng Wika” ng mga mag-aaral sa kindergarten noong 8:30 n.u. ng Miyerkules, ika-30 ng Agosto 2023, na may temang “Filipino at Mga Wikang Katutubo: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Ang aktibidad na ito ay maingat na inihanda sa tulong at suporta ng Punong-Guro na si Gng. Lee Shu Hwei ng aming paaralan, sa ilalim ng pamumuno ng Superbaysor ng Kindergarten na si G. Alex Lim, Koordinaytor ng Departamento ng Inglis na si Gng. Charito Sarip, tagapamahala ng aktibidad na si Bb. Jhoanna Ongdueco, at iba pang mga guro. Nagkaruon ng iba’t ibang mga gawain ang bawat baitang, kabilang na ang pag-awit ng mga awiting pambata, paglalaro ng mga tradisyunal na laro, at paghahanda ng iba’t ibang mga lutong Filipino, bilang pagkilala sa pangalan at tawag dito. Ang buong kaganapan ay maayos na nailatag, puno ng kaalaman, at puno ng kasiyahan.
Sa araw na ito, nagbihis ang mga mag-aaral ng kasuotang Filipino, bitbit ang mga pagkaing Filipino na kanilang pagsasaluhan. Ipinakita nila ang kanilang kagalakan na pumasok sa paaralan. Agad na maririnig ang masayang awiting Filipino at tunog ng mga tambol mula sa pangkat ng Filipino band ng aming paaralan. Ang buong paaralan ay napuno ng sigla.
Sa simula ng aktibidad, ang mga mag-aaral mula sa bawat bawat baitang ay umawit ng mga awiting Filipino na “Sampung mga Daliri,” “Tong Tong Tong Pakitong-kitong,” “Ako ay May Lobo,” at “Mang Donald sa Bukid” na may masayang mga tinig. Napuno ng kasiyahan ang buong lugar. Kasunod nito, pinanood ang mga mag-aaral ang tradisyunal na kuwento mula sa Pilipinas na may pamagat na “Ang Langgam at Ang Tipaklong.” Matiyagang nakinig at nanood ang mga bata, at hindi nila namalayang natutuhan na magsalita ng wikang Filipino.
Pagkatapos, naglaro ang mga bata ng mga tradisyunal na laro ng Pilipinas, kabilang ang “Piko,” “Tumbang Preso,” at “Batuhang Bola.” Nagkaroon ng masayang oras ang mga bata, at ngiti sa kanilang mga labi.
Nagtapos ang aktibidad, at masaya ang mga mag-aaral sa iba’t ibang mga lutong Filipino, na nagbigay-kulay sa pagtatapos ng mga gawain at karagdagang kaalaman sa pag-aaral. Hindi lamang ito nagbigay ng karunungan sa mga bata, kundi naranasan din nila ang init at kasiyahan ng selebrasyon.
Matagumpay na natapos ang aktibidad na ito na may mga masayang ngiti mula sa mga bata at mga magulang.